Ang isang bahagi ng Manila-Cavite Expressway (CAVITEX) ay nananatiling walang bayad ang toll hanggang hindi nag-aanunsyo ang Toll Regulatory Board (TRB) na ibabalik na ang pangongolekta ng toll fee dito.

Ayon sa Philippine Reclamation Authority (PRA) nang matapos ang toll holiday sa lahat ng dinadaanan ng CAVITEX sa Parañaque, Las Piñas, Taguig, Bacoor, at Kawit, Cavite noong Hulyo 31, 2024, may bahagi nito ang wala pa ring bayad ang toll.

News Image #1

(Larawan ng Philippine News Agency)

Ang libre ang toll ay ang exit sa Segment 2 ng C-5 Link at ang pabalik dito kung saan nagbebenepisyo ngayon ang libo-libong mga motorista.

Naobserbahan ng PRA ang pagdami ng mga sasakyang dumaan sa CAVITEX noong panahon ng toll holiday, kung saan ang dating bilang na 171, 000 kada araw ay naging 200, 000.

"This uptick underscores the positive externalities associated with improved infrastructure, as the new segment is anticipated to enhance travel efficiency and reduce transaction costs and traveling time for commuters, thereby boosting overall economic productivity," ayon sa pahayag ng PRA.

Noong Hunyo 21, 2024 ay pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang inagurasyon ng ilang bahagi ng CAVITEX.

Pinasalamatan niya ang PRA sa pagrerekomenda ng 30 araw na toll holiday sa lahat ng bahagi ng expressway upang matulungan ang mga motorista sa harap ng tumataas na gasolina, at para rin maranasan ng mga motorista ang maginhawang paglalakbay sa CAVITEX.