Spotted sa Shangri-La the Fort sa Bonifacio Global City, Taguig City ang Celebrity Son ng Queen of All Media Kris Aquino na si Bimby Aquino Yap na nagpakuha ng litrato kasama ang Celebrity Doctor na si Dr. Rey Salinel, Jr.

News Image #1

(Larawang ibinahagi ni Dr. Rey Salinel, Jr. sa Taguig.com)

Kumakain sa isang restaurant sa hotel nitong weekend si Dr. Salinel, na madalas na napapanood sa mga teleserye ng GMA 7, nang mamataan niya roon si Bimby.

Nagpaunlak naman si Bimby nang humiling si Dr. Salinel na magpakuha sila ng litrato.

Si Bimby ay bumalik ng Pilipinas kasama ang kanyang inang si Kris noong Biyernes, Setyembre 13, 2024, batay sa post ng fashion designer na kaibigan ng pamilya na si Michael Leyva.

News Image #2

(Larawan mula sa Instagram post ni Kris Aquino)

Ang pagbabalik ni Kris sa bansa ay bunga ng pagpapatuloy ng panggagamot sa kanyang problema sa immune system na aalalayan ng bago nitong kasintahang doktor na nakabase sa Makati City.

"He's part of the reason why I'm confident na puwede akong umuwi kasi alam ko there's someone who will help in taking care of me," ayon sa pahayag ni Kris noong Hunyo.

Nakatakdang isagawa ang panggagamot kay Kris na immunosuppressant infusions na parang chemotherapy subalit hindi kasingtapang nito, dalawa o tatlong linggo mula ngayon.

Sa post ni Kris sa Instagram, sinabi nitong: "Emotionally I need the encouragement and unwavering faith my sisters & cousins, closest friends, and trusted team of doctors can provide."

Anim ang nakitang autoimmune conditions ni Kris kabilang ang autoimmune thyroiditis, chronic spontaneous urticaria, Churg-Strauss syndrome, systemic sclerosis, lupus, at rheumatoid arthritis. May hinihintay pang resulta ng dalawa pang autoimmune conditions.

"I choose to be 100% honest. I arrived in the πŸ‡ΊπŸ‡Έ with 3 diagnosed autoimmune conditions, a 4th was confirmed in late June of 2022 (1. Autoimmune Thyroiditis 2. Chronic Spontaneous Urticaria 3. Churg Strauss/EGPA- a rare, complicated form of vasculitis 4. Systemic Sclerosis and this 2024 I was diagnosed with 5. SLE/Lupus and 6. Rheumatoid Arthritis.) We are still waiting for the results of 2 more autoimmune conditions," ayon sa post ni Kris sa Instagram.

Sinabi rin ni Kris sa kanyang post na pinoprotektahan ngayon ang kanyang mga pangunahing organs habang isinasagawa ang mga panggagamot sa kanya. Sa isang panayam ng kanyang kaibigang talk show host na si Boy Abunda, sinabi niyang ang mga susunod na buwan ay mahigpit na babantayan dahil susubukan nila ang bagong gamot na mag-aayos ng kondisyon niya sa puso.

Pinasalamatan ni Kris ang lahat ng tumutulong sa kanya kabilang ang kanyang "Dr. MP."

Tinapos ni Kris ang post sa pamamagitan ng pahayag na ito: Bawal Sumuko. Tuloy po ang #Laban."