Isandaang libong piso ang iniabot ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig sa isang lola sa Barangay Santa Ana, Taguig City na nagdiwang ng kanyang ika-100 kaarawan kamakailan.
Ibinigay kay Maria Adoracion Juta ang kanyang P100, 000 bilang birthday gift ng Pamahalaang Lungsod sa lahat ng mga senior citizens ng Taguig na nagdiriwang ng kanilang ika-100 kaarawan.
(Larawan nina lola Maria Adoracion Juta at Konsehal Raul Aquino. Kuha ng Taguig.com)
Patuloy ring nakakatanggap ng P100, 000 ang lahat ng mga lolo at lolang sentenaryong Taguigeño sa kanilang mga susunod na kaarawan o habang sila ay nabubuhay.
Samantala, ang lahat ng mga senior citizens ng Taguig ay nakakatanggap ng P3,000 hanggang P10,000 na birthday cash gift, depende sa kanilang age bracket batay sa City Ordinance No. 25 series of 2017.
Ang mga edad 60-69 ay nakakatanggap ng P3,000; ang 70-79 taong gulang ay nakakatanggap ng P4,000; ang 80-89 taong gulang ay nakakatanggap ng P5,000 at ang mga 90-99 taong gulang ay P10,000.
Mayroon pang dagdag na serbisyo sa mga senior citizens ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig tulad ng libreng gamot sa diabetes, high blood at asthma; libreng nursing services sa kanilang tirahan; libreng wheelchairs, canes at hearing aids.
Centenarian sa Barangay Santa Ana, May P100K na Birthday Gift Mula sa Pamahalaang Lungsod ng Taguig | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: