Ginawaran ang Taguig City ng Paglaray Award in the Good Practice - City Level category para sa kakaiba nitong nagawa sa pagtatatag ng Center for the Elderly.
Ang award ay ibinigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa kanilang Knowledge Fair na isinagawa noong Nobyembre 29 sa SWADCAP, Fort Bonifacio, Taguig City.
Ang Paglaray Awards, na ipinangalan mula sa salitang Bisaya at Cebuano na ang ibig sabihin ay paghahanay, ay nagbibigay ng pagpugay sa dedikasyon ng mga DSWD Field Offices at local government units na sumusuporta at nagsusulong ng monitoring ng mga batas sa social welfare development.
Ipinagmamalaki ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang nag-iisang libreng Center for the Elderly sa bansa na kumpleto ang serbisyo sa mga senior citizens.
Kabilang dito ang therapy pool, sauna, massage room, cinema o mini theater, multi-purpose hall/recreational area, rooftop garden, at klinika.
Ang sentro ay nasa Ipil-Ipil Street, North Signal Village at may limang palapag kung saan naroon ang mga serbisyo nito.
Maaaring magbook ng appointment gamit ang link na ito https://appointment.taguig.info o tumawag sa 09618834707 o 09618834706. Maaari rin namang mag-walk-in.
(Photos by Taguig PIO)
Center for the Elderly ng Taguig, Ginawaran ng Pagkilala ng DSWD | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: