Dumating sa Pilipinas ang Chairman at Chief Executive Officer (CEO) ng isa sa pinakamalaking finance companies sa buong mundo na may pag-aaring umaabot sa US$3.2 trillion upang magsalita sa harap ng mga malalaking negosyante sa bansa kahapon sa Bonifacio Global City, Taguig City.

News Image #1


Si Jamie Dimon, 68 taong gulang at may net worth na umaabot sa US$2.3 billion, ay may hawak na mobile phone nang bumaba sa sasakyan nito sa harap ng lokal na opisina ng JP Morgan Chase BGC at kinuhanan ang mga naghihiyawang mga taong sumalubong dito.

News Image #2


Naimbitahan si Dimon ng kanyang opisina at ng US Philippines Society upang magsalita sa kaganapang pinamagatang "A Conversation with Jamie Dimon," kung saan ang mga nanood at nakinig dito ay ang mga bigating negosyante sa Pilipinas.

News Image #3


Kabilang sa mga naimbitahan upang saksihan ang pagsasalita ni Dimon ay sina Manny Pangilinan, Ramon Ang, Sabin Abotiz, Lance Gokongwei, Robina Gokongwei-Pe, Tessie Sy-Coson, Kevin Tan, Jose Antonio, Tony Tan Caktiong, Arthur Ty, , Manny Villar, Edgar "Injap" Sia, Lucio Tan III, at iba pa.

Ang Chairman ng Ayala Corporation na si Jaime Augusto Zobel De Ayala na co-chairman ng US-Philippines Society, ang nagbigay ng welcome remarks.

Si Dimon ay nailista ng ilang beses na bilang isa sa 100 Most Influential People ng Time Magazine. Ang kanyang posisyon bilang Chairman at CEO ng JPMorgan Chase ay hinahawakan niya simula pa noong 2006.

Ang JP Morgan Chase ay nagbibigay ng solusyon sa pamumuhunan sa tulong ng bangko, kasama na ng mergers at acquisitions, pag-aangat ng kapital at risk management, para sa mga korporasyon, institusyon at mga gobyerno.

(Mga screenshots mula sa kumuha ng video ni Ginoong Dimon mula sa JP Morgan Chase BGC Office)