Nag-aalok ang pamahalaan ng scholarship para sa mga mahuhusay at matatalinong Pilipinong estudyante subalit walang kakayahang pinansiyal para makapag-aral o walang bahay (homeless), mga taong may kapansanan, o kaya naman ay single parents at gayundin sa kanilang dependents.
Bukas na ang Commission on Higher Education (CHED) Merit Scholarship Program (CMSP) 2024 para sa mga nagnanais na makapag-aral sa kolehiyo sa pribadong higher education institution na kinikilala ng CHED o sa mga State Universities and Colleges (SUCs) at Local Universities and Colleges (LUCs). Sinimulan ang aplikasyon noong Hunyo 3, 2024 at magtatapos sa Hulyo 15, 2024.
May 1, 374 na scholarships ang ibibigay sa mga magka-qualify na mga graduating high school students na mag-a-apply sa 16 na regional offices ng CHED.
(Screenshot from chedscholarships.com)
Ang scholarship ay magbibigay ng buo (ang General Weighted Average ay 96% pataas) o kalahati (ang General Weighted Average ay 93% hanggang 95%) na tulong pinansiyal na maaaring sumakop sa matrikula at iba pang bayarin sa eskwelahan at buwanang allowance para sa mga gastusin ng estudyante.
Para makapag-apply, narito ang mga kinakailangan:
• Filipino citizen
• Graduating high school student o High School graduate
• General Weighted Average na 93% hanggang 95% para sa half scholarship
• Para sa Full State Scholarship o Full Private Education Student Financial Assistance, ang General Weighted Average ay 96% pataas.
• Ang pinagsamang kita ng mga magulang para sa calendar year 2022 ay hindi dapat lalampas sa P 400, 000. Kailangan ding ang aplikante ay magharap ng isinulat na sertipikasyon o medical finding na mayroong may sakit sa pamilya, o school certification ng dalawa o higit pang dependents na naka-enroll sa kolehiyo.
• Isa lamang na government-funded financial assistance ang a-apply-an
Kabilang naman sa mga dokumentong dapat isumite ay:
• Original / certified true copy ng birth certificate
• Kopya ng harap at likod sertipikadong grado sa Grade 11 at unang semestre ng Grade 12 para sa graduating high school students
Sa pruweba ng kinikita:
• Pinakahuling Income Tax Return (BIR Form Number 2316 Calendar Year 2022) ng mga magulang o tagabantay (kung may trabaho)
• Certificate of Tax Exemption mula sa BIR
• Certificate of Indigency mula sa barangay na nakapangalan sa magulang o tagabantay na nakalagay ang taunang kita
• Certificate / Case Study mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD)
• Pinakahuling kopya ng kontrata o pruweba ng kinikita para sa mga anak ng Overseas Filipino Workers (OFWs) at marino (seafarers).
Ipinaalala ng CHED na hindi na maaaring mag-apply para sa merit scholarship ang mga nasa kolehiyo na dahil para lamang ito sa mga Grade 12 students sa darating na pasukan.
Para sa aplikasyon, piliin ang rehiyong nakakasakop sa aplikante sa pamamagitan ng pag-click sa link na ito: https://ched.gov.ph/merit-scholarship/#csp-application
CHED Merit Scholarship Application, Bukas Na Sa Mahuhusay Na Grade 12 Students Ngayong School year; Deadline ng Application sa Hulyo 15, 2024 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: