Limampung libong piso ang makakamit ng magwawagi ng unang gantimpala sa cheerdance competition ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig na tinawag na "E-motion: Digital Pathways to Sustainable Cheers - Taguig's Dance Showdown."

News Image #1

(Larawan ng Taguig City PIO)

Bilang selebrasyon ng Linggo ng Kabataan ngayong 2024, ang Pamahalaang Lungsod ay nag-iimbita sa gtupo ng mga kabataang Taguigeno sa bawat barangay ng lungsod na lumahok sa cheerdance competition.

Ang ikalawang gantimpala ay P30, 000; ang pangatlo ay P20, 000 at ang pang-apat hanggang pang-sampu ay makakatanggap ng tig-sa-sampung libong piso.

Mayroon pang special awards na Best Male and Female Cheerleader na bibigyan ng P2, 000.

Ang lahat ng barangay ng Taguig City ay maaaring magsumite ng isang cheer dance video mula sa kanilang ka-barangay. Kailangang pawang mga residente ng Taguig City ang lalahok at hihingan ang mga ito ng balidong ID na may address sa Taguig.l

Ang contingent coordinator o choreographer, o kung sinuman ang otorisadong representante ay kailangang dumalo sa mga pagpupulong na ipapatawag ng taga-organisa ng kumpetisyon.

Magsumite Ng kumpletong entry form sa City Health Office, ikalawang palapag, Room 11 HEPO.

Ang pagsusumite ng kumpletong entry form na nilagdaan ng Barangay SK Chairman ay hanggang sa Agosto 16, 2024 ng alas 3:59 ng hapon na lamang. Narito ang entry form: https://bit.ly/InterBarangayCHEERDANCE2024

Magsumite ng video ng lima hanggang 7 minuto na cheerdance. Kinakailangang may 12 hanggang 16 na cheerdancers ang bawat lalahok na grupo na ang edad ay 14 hanggang 24 na taong gulang. Mayroon din dapat na limang spotters.
Kailangan ding may parental consent ang mga nasa edad na 14 hanggang 17 taong gulang na kalahok. Ipinagbabawal ang paghagis sa mga cheerleaders o cheerdancers.

Ang tema ay "From Clicks to Progress: Youth Digital Pathway for Sustainable Development," na dapat sundin ng mga kalahok.

Ang lahat ng mga lalahok sa bawat barangay ay kailangang maisumite ang kanilang video performance sa [email protected] bago o sa mismong Agosto 23, 2024 ng 11:59 PM.

Iaanunsyo naman ang top 10 finalists sa Agosto 6, 2024 sa Facebook Page na I Love Taguig.

Narito ang criteria for judging:
- Choreography (Synchronization, Dance, Transition, Overall Effect) - 35%
- Stunts and Pyramids (Difficulty, Execution, Creativity) - 30%
- Cheer (Clarity of Voice, Ability to Engage the Crowd) - 10%
- Costume and Props (Creativity and Design) - 25%

Sa pinaka-pinal na kumpetisyon, live na ang pagpapakitang-gilas ng mga cheerleaders sa Agosto 31, 2024 sa Taguig Lakeshore Hall. Ang top 10 na barangay mula sa preliminary competition na papasok sa finals ang magpapakita ng kahusayan sa Agosto 31.

Sa pinakahuling pagpapakitang-gilas, narito ang batayan sa pagpili ng mga mananalo:
- Choreography (Synchronization, Dance, Transition, Overall Effect) - 35%
- Stunts and Pyramids (Difficulty, Execution, Creativity) - 30%
- Cheer (Clarity of Voice, Ability to Engage the Crowd) - 10%
- Costume and Props (Creativity and Design) - 20%
- Audience Impact - 5%

Narito pa ang karagdagang panuntunan sa cheerdance competition ng Taguig City:
Ang cheer ay dapat isagawa na walang tugtog. Maaaring isigaw ang cheer sa Inggles o Tagalog. Kailangang maipagmalaki ang kanilang barangay at masunod ang temang "From Clicks to Progress: Youth Digital Pathway for Sustainable Development."

Para sa stunts, hindi papayagan ang 2.5 pyramid at maaaring ikabawas ito ng iskor ng gagawa nito. Papayagan lamang ang level 4 na stunts na inaasistihan ng tatlo hanggang apat na main bases. Bawal ang paghagis sa cheerdancers.

Kapag magta-tumbling, kailangang isang beses lamang at isa lamang na pag-ikot o twisting rotation.

Ang drops o pagbagsak ay hindi rin papayagan maliban kung suportado ng kamay o paa na siyang kokontrol sa pagbagsak. Hindi naman papayagan ang tension drops at rolls.

Sa pagsasayaw, maaari namang tumalon, umikot, sumipa, mag-split at gamitin ang mga braso sa kanilang pagkilos o technique.

Sa props, maaaring gumamit ng pom-poms at iba pang malambot na materyales at kailangang may kinalaman sa tema ng kumpetisyon. Ipagbabawal naman ang paggamit ng pyrotechnics o paputok at anumang makakasunog.

Ipinagbabawal din ang pagsusuot ng mga alahas sa kumpetisyon. Bawal din ang lalahok na nakainom, gumamit ng ipinagbabawal na gamot, o anumang performance-enhancing substances. Kailangan ding may sertipikasyong "Fit to Play" mula sa health center ng Taguig