Isang puganteng Chinese ang naghihintay ngayon ng deporasyon sa Bureau of Immigration (BI) Warden Facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City makaraang maaresto ito sa mismong opisina ng BI sa Intramuros, Manila noong Hunyo 26, 2024.

Tinangka ni Luo Xinya, 27 taong gulang, na mag-apply para sa pagpapalawig ng kanyang visa sa Immigration nang lumabas sa computer na may warrant of arrest ito na inisyu ng Chongqing Hechuan District Public Security Bureau ng People's Republic of China.

News Image #1

(Kuha ng Bureau of Immigration)

Sinabi ni BI Tourist Visa Section Chief Raymond Remigio na posibleng inakala ni Luo na patuloy siyang makakapagtago sa Pilipinas kahit may kaso siya sa China.

"He probably thought he could continue hiding in the country despite his arrest warrant in China. What he doesn't know is that our system is connected to the BI's centralized database of derogatory records, allowing us to immediately detect those with deportation orders," ayon kay Remigio.

Si Luo ay may summary deportation order na inisyu ng Bi noon pang 2023 makaraang impormahan sila ng mga otoridad sa China na ang Chinese national ay may kaso at hatol nang pagkabilanggo rito.

Agad siyang inaresto ng mfa operatiba ng BI Fugitive Search Unit at dinala sa warden facility nito sa Bicutan, Taguig City.

Pinuri ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang mga tauhang nakahuli kay Luo at sinabing epektibo ang kanilang sistema sa pagpapanatili ng kaligtasan ng publiko mula sa mga hindi kanais-nais na dayuhan.

"Our centralized immigration system is crucial in identifying and apprehending individuals with derogatory records. The swift turnover of Luo Xinya demonstrates our commitment to national security," ayon kay Tansingco.