Isang Chinese national ang bagong bilanggo sa Bureau of Immigration (BI) Warden Facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City, makaraang mahuling tatakas sana ng bansa sa pamamagitan ng magkakahiwalay na flights noong Enero 14 at 15, 2024

Naaresto ang Chinese na si Liu Shengtao, 44 taong gulang, sa Ninoy Aquino International Airport Termina 3 noong Enero 14 na sasakay sana sa isang eroplanong patungong Singapore.

News Image #1


Naalerto agad ang mga otoridad ng BI nang makitang wanted si Liu sa China dahil sa money laundering o paggamit ng mga perang kinita sa krimen sa mga ipinalalabas nitong mga legal na gawain.l

Matagal na ring nasa Pilipinas si Liu at may work visa pa noong 2022, ayon sa BI, bago nailabas ang alert order laban sa Chinese national.

Natanggap ng BI ang impormasyon kaugnay ng mga krimen ni Liu sa China noon lamang Setyembre 2023 at matagal ding hinanap ito ng mga otoridad bago nalaglag sa kamay ng BI nang magtangka itong lumabas ng bansa.

(Larawan mula sa Bureau of Immigration)