Pinangunahan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang seremonya ng pagbubukas sa parke na libreng mapapasyalan hindi lamang ng mga Taguigeño kung hindi maging ng mga taga-ibang lugar.
"Ang gabing ito ay gabi rin ng pasasalamat sa ating Panginoon na sentro ng pagdiriwang ng Kapaskuhan. Salamat sa Panginoon sapagkat binigyan niya ng napakagandang regalo ang lungsod ng Taguig - ito ay ang patuloy na biyaya Niya, pag-unlad, at mga programang ramdam ng bawat Taguigeño," ang pahayag ni Cayetano sa pagbubukas ng TLC Park.
Mayroon ding mga art installations sa paligid ng park na ginawa ng mga Taguig artists at ng mga kaibigan ng mga ito at may play of lights na tila aurora borealis kung saan nakatutok ang mga ilaw sa kalangitan at magpapakita ng iba't ibang kulay.
Dumalo rin sa pagbubukas ng Christmas by the Lake ng Taguig si Senador Alan Peter Cayetano.
"We're not only welcoming the Christmas season but we are inching our way to 2025. AT sa 2025, marami tayong New Year's resolutions. At sana ang isa sa maging resolution natin - ako'y dapat makatulong. Kung di ako makakatulong, huwag na akong makakasakit," ang pahayag naman ng senador.
Mayroong isang higanteng Christmas Tree na umiilaw sa kapaligiran,
Noong isang taon, ang pinakamaraming bumisita sa parke ay nasa 27, 000. Dahil dito lalong pinaigting ng Taguig City ang seguridad sa parke, sa tulong ng Taguig City Police.
PInag-aaralan din ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang pagdaragdag ng mga rides sa susunod na Christmas by the Lake sa Taguig.
(Mga larawan ni Dexter Terante)