Balik-operasyon ang Christmas by the Lake bukas, Enero 2, 2024, ang pinakamalaking Christmas park sa Metro Manila.

News Image #1


Ang Christmas by the Lake na nasa C6 Service Road, Lakeshore, Barangay Lower Bicutan, Taguig City ay patuloy na tatanggap ng mga bisita hanggang sa Enero 14, 2024.



Bukas ito tuwing Linggo hanggang Huwebes, alas 5:00 ng hapon hanggang alas 10:00 ng gabi at tuwing Biyernes at Sabado, alas singko ng hapon hanggang alas 11 ng gabi.

News Image #2


May fireworks display rin tuwing Sabado ng gabi.

"Saan ka makakakita ng lungsod sa Metro Manila na ganito? Proud po kami sa aming Probinsyudad and we are happy to share the happiness of Taguigueño to all of you," ayon kay Taguig Mayor Lani Cayetano na ipinagmamalaki ng husto lalo na ang mga nilikhang murals ng mga lokal na artists na tampok sa parke.

Matatagpuan ang murals na ito sa Graffiti Tunnel, isang black light art experience.

News Image #3


Mayroon ding kantahan sa concert grounds at mga tindahan ng pagkain sa park grounds at sa Mercado del Lago.

News Image #4


Matatagpuan din sa parke ang 3D Lighted Church na isang replica ng Santa Ana Church na isa sa makasaysayang simbahan sa Taguig na itinayo noong 1587.

News Image #5
]

Mayroon ding Heart Tower, Dancing Light Tunnel, Maze of Life at Aqua Luna Lights and Sounds Show.

Ang mga senior citizens, persons with disabilities at mga buntis ay hindi rin mahihirapang mag-ikot ikot sa parke dahil may tren na maaaring sakyan.

Sa mga nagnanais na magtungo sa parke, puwedeng mag-walk in o magpa-book online sa https://tlcpark.taguig.info/schedule o tumawag sa 0919.330.4146 o 0961.704.6623.

(Photos by Taguig PIO and Christmas by the Lake - TLC Village FB Page)