Pansamantalang magsasara ang Christmas by the Lake - The Lights of Christmas (TLC) Village ngayong araw na ito, Disyembre 24 hanggang sa Pasko, Disyembre 25, 2023, upang bigyan ng pagkakataon ang mga tauhan nito na makapagdiwang ng Pasko kasama ang kanilang pamilya.

News Image #1


Wala ring operasyon ang pinakamalaking Christmas Park sa bansa sa Disyembre 31, 2023 at Enero 1, 2024.

Magbabalik ang operasyon nito makalipas ang Pasko at Bagong Taon, at magtatagal hanggang sa Enero 14, 2024.

Maaaring mag-book online sa https://tlcpark.taguig.info/schedule o mag-walk-in sa parke ang mga nagnanais na bumisita rito.

News Image #2


Libre rin ang pagpasok sa Christmas by the Lake - TLC Village tuwing Linggo hanggang Huwebes, alas 5:00 ng hapon hanggang alas 10:00 ng gabi at tuwing Biyernes hanggang Sabado, alas 5:00 ng hapon hanggang alas 11:00 ng gabi.

News Image #3


Hindi lamang ang mga matitingkad at makukulay na ilaw ang tampok sa Christmas by the Lake kung hindi ang musical presentation sa concert grounds, mural park, TLC Food Park at ang Mercado del Lago Floating Village and Food Park.

News Image #4


Tuwing Sabado ng gabi, mayroon ding fireworks display sa Christmas by the Lake. (I-click ang video ni Roen Kathleen)



(Photos by Christmas Park at the Lake and Roen Kathleen )