Binigyan ng pagkilala ang mga sumusuporta sa pagsusulong ng kagalingan ng mga kababaihan sa pamamagitan ng gender and development (GAD) programs sa isang awarding ceremony sa SM Aura Premier sa Taguig City noong Agosto 14.
Nakuha ng Commission on Audit (COA) ang dalawang gold awards sa Gender and Development Transformation & Institutionalization through Mainstreaming of Programs, Agenda, Linkages & Advocacies (GADtimpala) 2023.
I
Nakuha naman ng Department of National Defense ang silver at bronze awards.
Bukod sa COA at DND, 17 pang ibang national government agencies ang ginawaran ng pagkilala ng Philippine Commission on Women (PCW) dahil sa kanilang mga gender-sensitive programs.
Ang paggawad ng pagkilala sa mga ahensya ng pamahalaang nagsusulong ng GAD ay kaalinsabay ng ika-14 na anobersaryo ng paglagda sa Magna Carta of Women o Republic Act No. 9710.
Ang pangunahing layunin nito ay mabigyan ng kapangyarihan ang mga kababaihan at mailigtas sila sa karahasan at respetuhin ang kanilang karapatang pantao. Hinahangad din nito na magkaroon ng gender equality sa lahat ng aspeto ng pamumuhay.
(Mga larawan mula sa Philippine Commission on Women)
COA at DND, Wagi sa GAD Awards | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: