Binigyan ng huling parangal ng Philippine Coast Guard (PCG) K9 Force ang pambihirang Coast Guard Working Dog (CGWD) na namayapa noong Agosto 6, 2024.

Si CGWD Britney ay nagsilbi bilang search and rescue detection dog sa loob ng 9 na taon. Ang handler nito ay si CG PO1 Miguel L. Yniego Jr.

News Image #1

(Larawan ng PCG K9 Force)

Kabilang sa mga mahahalagang kontribusyon ni Britney sa PCG ay ang pagiging aktibo sa search and rescue mission sa pagguho ng lupa sa Tiwi, Albay at Sagñay, Camarines Sur noong Enero 3, 2019; at sa pagguho ng lupa sa Maco, Davao de Oro noong Pebrero 11, 2024.

Nakita at nailigtas ang ilang mga indibidwal dahil sa ginawang paghahanap ni Britney sa mga gumuhong lupa.

Dahil sa kakaibang galing ni Britney, ginawaran ito ng parangal na CG Search and Rescue Dog of the Year noong isang taon.

Sa pahayag na ipinalabas ng PCG K9 Force mula sa headquarters nito sa M. L. Quezon St., Purok 1, Barangay New Lower Bicutan, Taguig City, " CGWD Britney was known for providing exceptional service and for her unwavering dedication to duty. Despite her departure, her legacy will always be remembered and cherished."