Magpapamigay ang pamahalaan ng comic book na nagsasaad ng sarili nitong istorya sa nagaganap sa West Philippine Sea.
Inilunsad noong Biyernes ang 40 pahinang comic book na ang pamagat ay "The Stories of Teacher Jun," kung saan pababalintunaan nito ang sinasabing maling impormasyong ipinapakalat ng China kaugnay ng pag-aangkin nito sa teritoryo sa South China Sea.
(Larawan ng Philippine Coast Guard)
Isang Pilipinong guro at mga batang estudyante nito ang nasa komiks kung saan pinag-uusapan ang iringan sa teritoryo sa South China Sea at binigyang diin ang posisyon ng Pilipinas sa usaping ito.
Ang comic book ay tungkol sa kuwento ng isang mangingisdang ama ng estudyante na nahihirapang mangisda dahil sa presensya ng Chinese Coast Guard. Ang estudyante ay dumadalo sa klase ni Teacher Jun na tila si Pangulong Ferdinand Marcos.
Sa comic book launching, sinabi ni National Security Adviser Eduardo Ano na gagawin ng Pilipinas ang lahat upang malabanan ang maling impormasyon at gawa-gawang kuwento kaugnay ng South China Sea.
"Chinese officials, along with state-sponsored media and individuals, continue to spread distorted and twisted narratives to malign our efforts and justify their unilateral claims," ayon kay Ano.
Kabilang sa mga dumalo sa paglulunsad ng naturang comic book ay ang mga embahador ng United States at Canada. Kasama rin sa dumano ang Kalihim ng Edukasyon, Edgardo Angara, at ang mga opisyal ng Philippine Coast Guard.
Labingisang libong kopya ng comic book ang maipapamahagi ng libre, at libo-libo pa ang iiimprenta depende kung may gagastos para rito, ayon kay Philippine Coast Guard spokesperson Jay Tarriela.
Ang paglilimbag ng libro ay pinondohan ng mga pribadong donors at nasa Tagalog at English, ayon kay Tarriela.
Kabilang sa makakakuha ng libreng libro ay ang mga estudyante at iba pang Pilipinong nasa malalayong lugar sa bansa na hindi masyadong nakakapakinig o panood ng balita.
Ang mga dayuhan namang nagnanais na magkaroon ng kopya ay maaari ring imprentahan sa kanilang wika.
"This initiative aims to highlight our maritime rights and entitlements while revealing China's unlawful activities, aggressive behavior and bullying tactics. It is crucial for us to shed light on these actions as transparency is a powerful tool in combating misinformation," pagtatapos ni Ano.
Comic Book na Nagsasaad ng Kuwento ng Pilipinas sa West Philippine Sea Upang Malabanan ang Umano ay Maling Impormasyon ng China, Ipapamahagi ng Libre | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito:
![](/images/slowcache/flip.png)