Hindi na magpapabayad ng perang papel o coins ang ilang toll plazas ng mga expressways simula sa Setyembre 1, 2023.

Dalawang buwan na magda-dry run para sa contactless collections ang upang malaman ang kahandaan ng mga operator sa sistemang ito na nahinto nang magkaroon ng problema sa sistema, ayon sa Toll Regulatory Board (TRB).

News Image #1


Kabilang sa mga toll plaza na magsasagawa ng contactless collection ay ang mga nasa ilalim ng North Luzon Expressway, Subic Clark Tarlac Expressway, Cavite-Laguna Expressway, Manila-Cavite Toll Expressway-C5 Southlink, NAIA Expressway, South Metro Manila Skyway (Stages 1 and 2), South Luzon Expressway, Muntinlupa-Cavite Expressway, Metro Manila Skyway Stage 3, Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway, at ang STAR Tollway.

Samantala, inaprubahan ng TRB ang pagtataas ng toll fee sa Cavite Expressway (Cavitex) simula sa Lunes, Agosto 21 ng 12:01 ng madaling araw.

Ang mga dadaan sa Cavitex Kawit Toll Plaza (Road 1 Extension Segment 4 Zapote to Kawit) na mga maliliit na sasakyan o Class 1 ay magbabayad na ng P73.00. Ang mga nasa Class 2 ay magbabayad ng P146.00 at ang Class 3 ay magbabayad ng P219.00.

Sa Cavitex Paranaque naman (Road 1 Seaside to Zapote), ang bagong toll fees at P35.00 para sa Class 1, P70.00 para sa Class 2 at P104.00 para sa Class 3.

Bilang konsiderasyon, ang mga pampasaherong sasakyan tulad ng mga jeepney, bus at UV Express ay hindi muna tataasan ang ibabayad na toll rate sa loob ng tatlong buwan.

(Larawan mula sa NLEX Corporation)