Ang mga aso at iba pang hayop ay may karapatan ding mabuhay ng ligtas, at dugtungan ang kanilang buhay sa pamamagitan ng cardiopulmonary resuscitation o CPR at first aid.
Ito ang dahilan ng pagsasagawa ng isang espesyal na CPR at first aid training para sa mga canines at iba pang hayop sa Taguig Center for Disaster Management sa Barangay Central Signal noong Biyernes, Agosto 4.
Nagsanib puwersa ang Office of the City Veterinarian at Taguig City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO), sa pakikipagtulungan din ng All-Breed Association Philippines K9 Inc. (ABAPK9) upang isailalim sa training ang 35 katao mula sa Taguig City DRRMO, City Health Office, at ng Office of the City Veterinarian, para maging handa sakaling kailangang lapatan ng agarang lunas ang mga aso at iba pang mga hayop sa siyudad.
Kabilang sa kanilang pinag-aralan ang paggamot ng mga sugat, bali, at iba pang medikal na problema ng mga hayop.
Tinuruan din ang mga ito ng mga epektibong pamamaraan ng pamamahala sa mga kritikal na sitwasyon tulad ng heatstroke at pagkalason ng mga hayop. Mayroon din training kung paano ililigtas ang hayop na nagbara ang lalamunan at hindi makahinga, nalunod o mga napaaway sa kapwa hayop.
Mayroon ding dagdag na kasanayan sa pag-aalaga sa kalinisan ng aso at mga pamamaraan kung paano maiiwasan ang garapata at iba pang pesteng dumadapo sa mga ito.
(Larawan mula sa Taguig PIO)
CPR at First Aid sa mga Hayop, Itinuro sa mga Tagapagligtas ng Taguig | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: