Walong plastic na selyado na may lamang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P170, 000 ang nakumpiska mula sa dalawang beinte otso anyos sa isang buy-bust operation na isinagawa sa Champaca Street, Western Bicutan, Taguig City noong Oktubre 20 ng alas 8:00 ng gabi.

News Image #1


Ang mga suspek na kinilala lamang sa alyas na Camille at Bulaska ay nagbenta ng halagang P500 na shabu sa isang nagpanggap na bumibili na tauhan ng Taguig City Police Station Drug Enforcement Unit.

Nagulat ang dalawang suspek nang magsilitawan ang iba pang tauhan ng pulisya at inaresto sila, kung saan nakumpiska ang may 25 gramo ng hinihinalang shabu sa kanilang pag-iingat.

Sinabi ng Officer in Charge ng Southern Police District (SPD) na si Brig. General Mark Pespes na kakasuhan ang dalawa ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022.

Ipinadala na ang mga nakumpiskang hinihinalang droga sa SPD Forensic Unit para sa karagdagang eksaminasyon sa laboratoryo.

Ang dalawang suspek ay nakadetine na sa Station Custodial Facility ng Taguig City Police Station.

(Photo by Southern Police District)