Dalawang bagyo ang maaaring mabuo o pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) sa susunod na linggo, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).
(Larawan ng PAGASA)
Ang unang low pressure area ay inaasahang mabubuo sa silangan ng Luzon at papasok sa PAR sa katapusan ng linggong ito o sa Lunes at kikilos patungong hilaga silangan. Kapag nabuo na, tatawagin ang bagyo na Ferdie.
Palalakasin nito ang habagat subalit hindi inaasahang babagsak sa lupa.
Ang ikalawang LPA naman ay inaasahang mabubuo malapit sa Guam at kikilos pakanluran at papasok na sa PAR bilang bagyo. Tatawagin naman itong Gener, subalit mababa ang tsansang babagsak ito sa kalupaan.
Gayunman, sinabi ng PAGASA na maaari pa ring magbago ng pagkilos ng mga bagyo.
Samantala, ang bagyong Enteng o Typhoon Yagi ay nakalayo na sa Pilipinas habang mas naging malakas ito. May lakas ng hangin na 195 km/hr ang Enteng habang ang pagbugso ay 240 km/hr.
Hinahatak nito ang habagat dahilan para ulanin pa rin ang Metro Manila at mga lalawigan sa Luzon.
Dalawang Bagyo, Posibleng Mabuo sa Susunod na Linggo | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: