Dalawang kalalakihan ang nakumpiskahan ng P200, 000 halaga ng pinaghihinalaang shabu sa isang buy-bust operation sa Barangay Palingon-Tipas, Taguig City noong Agosto 15, 2024.
(Larawan ng Taguig City Police)
Nakuha sa mga suspek na sina alyas John, 47 taong gulang at alyas Rey, 53 taong gulang ang 33.08 na gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P224,944.
Nakuha rin kay alyas John ang isang kalibre .45 baril, isang magazine at limang piraso ng bala, isang sling bag at lalagyan ng baril.
Haharapan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang ihaharap laban kay John at si Rey naman ay haharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165.
Dalawang Lalaki sa Barangay Palingon-Tipas, Huli sa P200K na Shabu | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: