Inanunsyo na ng Civil Service Commission (CSC) ang 11 semi-finalists para sa Outstanding Public Officials and Employees (Dangal ng Bayan Award) sa 2024 Search for Outstanding Government Workers.

Hinihingi ng CSC ang tulong ng publiko sa pagpili ng mga karapatdapat na gawaran ng parangal na mga nagta-trabaho sa gobyerno sa pamamagitan ng kanilang pagbibigay ng komento sa mga ito mula a dose ng Agosto hanggang sa ika-16 ng taong ito.

News Image #1

(Larawan mula sa Civil Service Commission)

"While we have concluded the call for feedback for the Presidential Lingkod Bayan and CSC Pagasa awards of the 2024 Search for Outstanding Government Workers, we still need your participation in ensuring that we choose the best Dangal ng Bayan candidates. These nominees have consistently displayed exemplary and ethical behavior in the face of risk or temptation inherent in their work and will stand as exemplary role models for all civil servants," ayon kay CSC Chairperson Karlo Nograles.

Ang mga semi-finalists para sa Dangal ng Bayan Award ay ang sumusunod (alphabetical order):

• Reymaximiano Quita Aquino, Nursing Attendant II, Baguio General Hospital and Medical Center, Baguio City
• Daryl Berdin Arguelles, School Principal II, Department of Education (DepEd) - Schools Division Office of Antique, Bugasong, Antique
• Michael Ike Macariola Bertulfo, Administrative Aide V (Plumber II), Local Government Unit (LGU) of Macrohon, Macrohon, Southern Leyte
• Jimmy Awisan Billod, Medical Specialist III, Baguio General Hospital and Medical Center, Baguio City
• Florentino Nool Dela Cruz Jr., Administrative Aide III (Utility Worker II), Baguio City Public Library, Baguio City LGU, Baguio City
• Donna Lyn Matamorosa Geronimo, Teacher III, DepEd - Schools Division Office of Naga City, Camarines Sur National High School, Naga City
• Erly Rose Leyesa Guzman, Administrative Aide VI (Clerk III), Marowoy, Lipa City LGU, Lipa City, Batangas
• Rick Olino Habana, Administrative Aide I, DepEd, Cabcab Central Elementary School, San Andres, Catanduanes
• Dyecebel Alvaira Pangaldin, Master Teacher I, DepEd - Schools Division Office of Sarangani, Alabel, Sarangani Province
• Shirley Mas Siozon, Associate Professor II, Eastern Visayas State University, Tacloban City
• Victor Ma. Regis (Vico) Nubla Sotto, City Mayor, Pasig City Government, Pasig City

Para sa mga komento sa mga semi-finalists ng 2024 Search for Outstanding Government Workers, magtungo lamang sa link na ito: bit.ly/2024_DNB_NSF_Public_Feedback.

Ang Dangal ng Bayan Award ay ibinibigay sa isang indibidwal na nagpakita ng kahusayan o kakaibang pagganap sa serbisyo publiko at tuloy-tuloy ang pagpapakita ng kahusayan maging sa pag-uugali at paggampan sa tungkulin na nakasaad sa Republic Act (R.A.) No. 6713 o ang Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Sa ilalim ng naturang batas, ang walong batayan ay: mahigpit na pagtugon sa interes ng publiko, propesyonal, patas at sinsero, walang kinikilingan sa pulitika, agad na tumutugon sa publiko, makabansa, ipinaglalaban ang demokrasya at simple ang pamumuhay.

Para sa mga katanungan o paglilinaw, maaaring makipag-ugnayan sa National Honor Awards Program (HAP) sa email: [email protected] o [email protected], o sa Facebook Page: fb.com/civilservicegovph.