Ililibing na sa ganap na alas 9:00 ng umaga sa Hunyo 20 sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City ang dating heneral at tatlong beses na kongresista ng La Union na si Tomas Dumpit.
Mauuna si Dumpit na ihatid sa huling hantungan sa Libingan ng mga Bayani bago ang libing ng dating heneral at mambabatas na si Rodolfo Biazon sa katulad na araw.
Sinabi ni Thelma Dumpit, broadcaster at anak ng dating heneral at kongresista, na ang kanyang ama ay nasawi bunga ng myocardial infarction noong Hunyo 11 sa edad na 90.
Sa pahayag ni Thelma sa media, sinabi nitong "we are overwhelmed with the outpouring of love for Dad and support for us. And while I'm still trying to accept the fact that he is no longer around, I know he will continue to guide us in spirit."
Idinagdag ni Thelma na ang kanyang ama ang kahuli-hulihang heneral na naiwan sa Malakanyang kasama si dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. Nakaukit aniya rito ang mga natutunan niya sa Philippine Military Academy na ibinahagi nito sa librong isinulat na "Duty. Integrity. Loyalty. The Heart of a General."
Dating Heneral At Kongresistang Si Tomas Dumpit, Ihihimlay Sa Libingan Ng Mga Bayani | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: