Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. bilang bagong commissioner ng Presidential Commission for the Urban Poor ang dating konsehal ng Taguig City na si Michelle Anne Baluyut Gonzales.
(Larawan mula sa FB Page: Michelle Anne Baluyut Gonzales)
Sa kanyang appointment letter na ang petsa ay noong Setyembre 27, 2024, nakasaad na papalitan niya si Pablo Guanco.
(Larawan mula sa Presidential Communications Office)
Naging konsehal si Gonzales ng ikalawang distrito ng Taguig noong 2010 hanggang 2016.
Ang kanyang anak na si Michelle Mae Gonzales ay una nang naitalaga bilang Commissione-at-Large ng National Youth Commission noong Agosto ng taong ito.
Samantala, itinalaga rin ni Pangulong Marcos si dating Executive Secretary Oscar Orbos bilang Acting Chairperson at Member ng Board of Directors ng People's Television Network, Incorporated (PTNI) na kumakatawan sa pribadong sektor, noong Oktubre 2, 2024.
Ang political analyst at media man na si Antonio Contreras ay itinalaga namang Acting Vice Chairperson at Member ng PTNI Board of Directors, na kumakatawan sa educational sector; ang dating PTNI Manager na si Kat De Castro naman ang itinalagang director-general ng Philippine Information Agency (PIA); at ang abogadong si Francis Carlo Taparan ang Director IV ngayon ng National Printing Office (NPO).
Dating Konsehal ng Taguig, Commissioner Ngayon ng Presidential Commission for the Urban Poor | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: