Naghayag na ng kanyang intensyong tumakbo bilang Kongresista ng unang distrito ng Taguig-Pateros si Direktor Lino Cayetano, ang dating alkalde at naging representante rin ng Taguig City.

News Image #1

(Screenshot mula sa Facebook Page: Lino Cayetano)


(Video mula sa Lino Cayetano Facebook Page)

Ito ay sa kabila nang tatakbo rin sa katulad na posisyon bilang kinatawan ng unang distrito ng Taguig-Pateros ang kasalukuyang kongresista nito na si Ricardo "Ading" Cruz.

News Image #2

(Larawan mula sa Facebook Page: Gumiho Woong)

Sa isang Facebook video post, sinabi ni Lino Cayetano na susuportahan niya ang kandidatura ni Taguig City Mayor Lani Cayetano at makikipagtulungan siya rito upang maisulong ang mga proyektong lalong magpapaunlad sa lungsod.

"Naniniwala ako noon pa man na tama ang direksyon ng lungsod ng Taguig. Pero marami pa tayong dapat gawin. Marami pa tayong kailangang ayusin. Kailanman walang perpektong gobyerno. Pero kailangang agresibo tayo sa paghahanap ng solusyon sa ating mga problema."

Sinabi rin ni Cayetano na sentimental sa kanya ang unang distrito, partikular ang Pateros, dahil doon tumira ang kanyang ama.

Samantala, nag-post naman sa Facebook Page na Gumiho Woong si Cruz at sinabing ka-grupo pa rin niya si Mayor Cayetano.

"Ako pa rin po ang tatakbong Congressman sa District 1 at Pateros sa grupo po ni Mayor Lani Cayetano. Ricardo Ading Cruz po ay handa po muling maglingkod sa inyo bilang Congressman ng District 1 ng Taguig at Pateros," ang post nito.

News Image #3

(Larawan mula sa Facebook Page: Gumiho Woong)