Bumaba na sa kanyang posisyon bilang chairman ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) si Delfin Lorenzana, na dating Defense Secretary sa ilalim ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
(Larawan mula sa Facebook Page: Delfin Lorenzana)
Ayon sa ulat na lumabas kahapon, Setyembre 10, 2024, nais ni Lorenzana na bumalik sa pribadong buhay.
"As I step down as BCDA Chairman, I thank President Ferdinand R. Marcos, Jr. for the trust and confidence in me," ayon sa pahayag na inilabas ni Lorenzana.
Itinalaga ni Marcos bilang kahalili ni Lorenza ang nagretirong heneral at secretary general ng Partido Federal ng Pilipinas na si Thompson Lantion. Nanumpa si Lantion kay Executive Secretary Lucas Bersamin noong Lunes, Setyembre 9, 2024.
(Larawan ni Thomas Lantion)
Sinabi ni Lantion na inatasan siya ng Pangulo na paunlarin pa ang mga korporasyong nasa ilalim ng BCDA. May panukala ring ang kita ng BCDA ay ibigay sa retirees at pensioners ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kaysa sa ilagay ito sa proyektong pang-modernisasyon ng AFP.
Ang BCDA, na may opisina sa Bonifacio Technology Center, 31st Street, Crescent Park West, Bonifacio Global City, Taguig City, ay isang development corporation na may kapangyarihang pang-korporasyon sa ilalim ng Republic Act (RA) 7227 (Bases Conversion and Development Act of 1992), na nilagdaan ni dating Pangulong Corazon Aquino noong Marso 13, 1992.
Ang mandato nito ay palakasin ang Sandatahang Lakas habang bumubuo ng mga mahuhusay na siyudad. Ang BCDA ay pumapasok sa mga public-private partnerships upang makabuo ng mga pangunahing imprastrakturang pampubliko tulad ng tollways, paliparan, pier at pangunahing real estate developments.
Kabilang sa mga proyekto nito ay ang 160 ektaryang Bonifacio Capital District na nasa katimugang bahagi ng Fort Bonifacio, papuntang South Luzon Expressway at Ninoy Aquino International Airport kung saan kapartner ng BCDA dito ang Megaworld.
Dito itinatayo ngayon ang gusali ng Senado at malapit sa Lawton East Station ng Metroa Manila Subway Project.
Delfin Lorenzana, Bumaba na Bilang Chairman ng BCDA; Pinalitan ni Lantion | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: