Nakisabay si Taguig City Mayor Lani Cayetano sa mga batang kumanta at sumayaw sa bagong handwashing jingle na ginawa ng Health Education and Promotion Office kaugnay ng obserbasyon ng National Deworming Month at Handwashing Day sa Maharlika Intergrated School noong Oktubre 18. (I-click ang video sa ibaba)



Sa pakikipagtulungan ng pamahalaang lungsod ng Taguig at Department of Education, tinuruan ang mga estudyante sa elementarya ng Maharlika Integrated School, mula Kindergarten hanggang Grade 6, ng tamang paghuhugas ng kamay.

News Image #1


Binigyan din ng deworming tablets ang mga elementary school students.

Pinasalamatan ni Cayetano ang mga estudyante, magulang, tagapagbantay at mga guro sa pakikilahok sa kaganapang ito na nagbibigay halaga sa kalusugan ng mga bata.

"Mahalaga po sa amin ang kalusugan ng inyong mga anak. Sana po kahit sa loob ng inyong mga tahanan, kayo po ang magpapaalala sa inyong mga anak ng kahalagahan ng nutrition and proper hygiene. Maganda na bata pa lang ay itinuturo na po natin ito sa kanila," ayon sa alkalde.

Binigyan din ng pamahalaang lungsod ng hygiene kits na may lamang alcohol, tuwalya at sabong panghugas bukod pa sa tsinelas ang mga estudyante.

News Image #2


(Video by Mayor Lani Cayetano's FB page)
(Photos by Taguig PIO)