Magpakarga na ngayon dahil ang diesel ay tataas bukas, Oktubre 8, 2024, ng P1.20 kada litro.
Ito ang inanunsyo ng mga kumpanya ng produktong petrolyo kasabay ng pahayag na maging ang kerosene ay tataas simula bukas ng P0.70 kada litro.
Tanging ang gasolina ang hindi gagalaw ng presyo.
(Larawan ni Dexter Terante)
Dalawang sunod na linggo rin na tumaas ang presyo ng gasolina at kerosene, at tatlong sunod-sunod na linggo naman sa diesel.
Una nang sinabi ni Department of Energy's (DOE) Oil Industry Management Bureau Director Rodela Romero mula sa kanilang tanggapan sa Bonifacio Global City (BGC) Taguig City na ang pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo ay bunga ng mga kaguluhan sa Gitnang Silangan partikular ng giyera ng Israel at Iran.
Diesel Tataas ng P1.20 Kada Litro, Kerosene Tataas ng P0.70 Kada Litro Simula Bukas, Oktubre 8, 2024 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: