Malaki ang itataas ng presyo ng mga produktong petrolyo simula bukas, Enero 21, 2025 makaraang umakyat ang presyo ng Dubai crude oil at ibinigay na kaparusahan ng Estados Unidos at United Kingdom sa Russia.
Ang diesel ang magkakaroon ng pinakamataas na angat sa presyo sa P2.70 kada litro. Ang gasolina naman ay tataas ng P1.65 kada litro at ang kerosene ay P2.50 kada litro.
(Larawan ng Taguig.com)
Sinabi ni Assistant Director Rodela Romero ng Department iof Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau na ang mas pinahigpit na kaparusahan ng US at UK sa Russian oil companies na Surgutneftegas at Gazprom Neft ang nagpataas ng presyo ng shipping, na nakaapekto naman sa mga bansa sa Asya tulad ng India at China.
Ayon kay Romero, kumukuha ng finished products na petrolyo ang Pilipinas sa China.
Ang taglamig o winter season ay isa ring dahilan ng pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa international market bunga ng lumalaking demand para rito.
Batay naman sa week-on-week na presyuhan ng Dubai crude noong Enero 6 hanggang 10, 2025, tumaas ito ng nasa $1.23 kada bariles. Ang international price naman ng gasolina ay tumaas sa tinatayang $0.85, ang diesel ay tumaas ng $0.98 at ang kerosene naman ay tumaas ng $1.41 kada bariles.
Diesel, Tataas ng P2.70 Kada Litro; Gasolina, Tataas ng P1.65 Kada Litro at ang Kerosene ay P2.50 Kada Litro Simula Enero 21, 2025 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: