Nanawagan ang kalihim ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa pamahalaang lungsod ng Taguig at Makati na siguruhin ang maayos na daloy ng serbisyo habang inaayos nila ang mga isyung may kinalaman sa territorial dispute.

Sinabi ni DILG Secretary Benjamin Abalos, Jr. na nakipag-usap na siya kina Taguig Mayor Lani Cayetano at Makati Mayor Abigail Binay at tiniyak naman ng magkabilang panig na gagawa sila ng paraan upang maresolba ang mga isyu ng mapayapa.

"Ang issue kasi rito, number 1, dapat yung mga tao, tuloy tuloy ang serbisyo. The SC decision should not affect schools, hospitals and services must be uninterrupted," ayon kay Abalos.

Sinabi ni Abalos na bukod sa isyu sa labingapat na eskwelahan, kailangan ding ayusin ang paglipat sa hurisdiksyon ng mga health facilities at iba pang mga kagamitang nasa EMBO (enlisted men barrios) barangays.

News Image #1


Ang dalawang lungsod ay nagkairingan noong nakaraang linggo nang ihayag ng DepEd Taguig-Pateros na magte-take over na ang mga guwardiya ng Taguig sa 14 na eskwelahang nasa Embo barangays.

Kabilang dito ang Makati Science High School, Comembo Elementary School, Rizal Elementary School, Pembo Elementary School, Benigno "Ninoy) Aquino High School, Tibagan High School, Fort Bonifacio Elementary School, Fort Bonifacio High School, Pitogo Elementary School, Pitogo High School, Cembo Elementary School, East Rembo Elementary School, West Rembo Elementary School at South Cembo Elementary School.

(Larawan ng Comembo Elementary School mula kay Vera Victoria