Halos dalawang milyong empleyado ng pamahalaan ang makikinabang sa mga diskwento at mga libreng bagay mula sa mga pampubliko at pribadong institusyon sa isang buwang pagdiriwang ng Philippine Civil Service Anniversary (PCSA) ngayong Setyembre.

"Ang PCSA ay anibersaryo ng lahat ng mga kawani sa lahat ng ahensya ng gobyerno. Kaya naman ang special treatsna ito ay pagkilala sa dedikasyon at serbisyo ng mga kawani na nagsisilbing pundasyon ng ating pamahalaan," ayon kay Civil Service Commission (CSC) Chairperson Karlo Nograles.

News Image #1

(Larawan mula sa Civil Service Commission)

Kailangan lamang na ipakita ng mga government employees ang kanilang government agency ID o UMIS card sa mga ka-partner na establisamiyento sa pagdiriwang na ito. Ang mga nasa ilalim ng Job Order at Contract of Service ay maaari ring makakuha ng ganitong pribilehiyo kung maipapakita ang kanilang government agency ID card.

Sa mga magbabakasyon, may diskwento sa accommodation sa mga sumusunod na lugar:
Urbiz Garden (San Juan, La Union)
Bayview Park Hotel Manila
Astoria Boracay
Astoria Current
Astoria Palawan
Shangri-La (Kerry Hotel, JEN, Traders Hotel)
Artstream Hospitality Management Group, Inc. (AHMGI) - Le Monet Hotel
AHMGI - Hotel Luna
AHMGI - Vitalis Villas
AHMGI - Vitalis White Sands
Hilton Manila
Manila Hotel
Limliwa Beach Resort
Villa Pamana Inn (Puerto Galera, Oriental Mindoro)
Layang Layang Home (El Nido, Palawan)
Park Inn by Radisson - Bacolod
Hotel Lucky Chinatown

News Image #2

(Larawan mula sa CSC)

Ang mga mamamasyal sa mga sumusunod na lugar na government employees ay mayroon ding special rates:
Zoobic Safari
Zoocobia
Zoori
Paradizoo
Zoocolate Thrills
Game Room
Splash Island
Eden Nature Park & Resort
Dream Lab

May eksklusibo ring rates para sa mga CSC-accredited learning at development institutions:

Center for Empowerment Seminars & Workshops, Inc.
Council for the Restoration of Filipino Values
People Dynamics, Inc.
Human Resource Innovations and Solutions, Inc. (HURIS)
UP Institute of Small-Scale Industries
Fellowship of Christians in Government (FOCIG)
South East Asia Speakers and Trainers Bureau, Inc.
Business Maker Academy
Business Coach, Inc.

May mga diskwento rin ang civil servants sa bibili sa SM Foodcourt at SM Store, Trax Records Manila, at 2 Hands Massage and Wellness.

Libre naman ang sakay sa Metro Rail Transit 3 at Light Rail Transit - Line 2 sa Setyembre 18 hanggang 20, 2024, at ang Bank of the Philippine Islands ay magbibigay ng mga regalo bukod sa gift certificates sa mga opisyal at empleyado ng pamahalaan na magbubukas ng kanilang digital account sa naturang bangko.

May diswkento rin sa Travbest Travel & Tours Co. at sa AutoDox Car Care Center.

"This is not the full list yet. We are expecting that more establishments will partner with us as September draws near to offer more discounts in celebration of the 124 years of having a strong and efficient civil service," dagdag pa ni Nograles.

Maaaring tingnan ang buong listahan ng mga partner outlets ng PCSA at ang mga pamamaraan para makakuha ng mga espesyal na regalo at diskwento sa site na ito: csc.gov.ph/pcsa/2024/special-treats o sa CSC Facebook Page na www.facebook.com/civilservicegovph.