Isusulong ng Department of Energy (DOE) at ng The British School of Manila ang pagpapalawak pa ng kaalaman kaugnay ng pagtitipid sa enerhiya at mahusay na paggamit nito.

News Image #1


Ito ang nilalaman ng nilagdaang kasunduan ng magkabilang panig upang makalikha ng mg estudyanteng pinaghahandaan ang kanilang kinabukasan at makatulong na mabago ang Pilipinas upang mas maging
sustainable, resilient, digitally connected, at isang bansang pinipili ang Energy Efficient and Conservation Act (RA. 11285) bilang pamamaraan ng kanilang pamumuhay.

Kabilang sa sakop ng kolaborasyon ang curriculum development na lilikha ng educational resources at capacity development para makapagturo ang mga guro kaugnay ng energy efficiency at paano ito isasabuhay.

"Our curriculum draws heavily on the UN Sustainable Development Goals and is built around the 'learning that transfers' model where students apply their learning to the real world as problem-solvers," ang pahayag ni Martin van der Linde, ang pinuno ng British School Manila.

Kabilang din sa kanilang kasunduan sa DOE ang pagtanggap ng energy audit upang malaman ang ginagamit na enerhiya ng eskwelahan at paghahanap ng mga paraan kung paano mas magagamit ng mabuti ang enerhiya nang hindi nasasayang.
Ang matitipid ay gagamitin naman para sa sustainability projects ng pararalan.

Tiniyak na ng British School Manila na uunti-untiin nila ang implementasyon ng sustainable solar provision sa kanilang school campus na uumpisahan nila sa
99.76kwp system ngayong taong ito.


Ang British School Manila ay isang pangunahing international educational institution na nasa Bonifacio Global City.

Kabilang sa layunin ng eskwelahan ay turuan ang mga mag-aaral nitong maging global citizens na may mga kasanayan at kaalaman at kaunawaan sa mga dapat na pag-uugali at kahandaang magbigay ng positibong kontribusyon sa mundo.

(Photo by Department of Energy)