ang Department of Health (DOH) na tugunan ang isyu ng ipinasarang mga health centers at lying-in clinics sa mga barangay sa enlisted men's barrio barangays (EMBO).
(Larawan mula sa Department of Health)
Ang pagpapasara ay iniutos ng Pamahalaang Lungsod ng Makati kasunod ng kautusan ng Korte Suprema na ilipat na ang pamamahala ng EMBO sa Taguig makaraang mapagdesisyunan na ang Taguig ang tunay na nakakasakop sa Fort Bonifacio at sa mga EMBO barangays.
Sinabi ni DOH Secretary Ted Herbosa na ginagawa nila ang kanilang makakaya upang tugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan ng Taguig at maging ng Makati pagdating sa kalusugan.
"We are ready to help both Mayor Lani Cayetano and Abby Binay come up with the solution. We are there to support the people in the area, the jurisdiction of Taguig, formerly Makati," ang pahayag ni Herbosa.
Una rito, sinita ni Senador Alan Peter Cayetano si Herbosa kung bakit wala itong ginawa makaraang ipasara ang mga naturang health centers sa EMBO.
(Larawan mula sa Facebook Page ni Senador Alan Peter Cayetano)
Sa bahagi naman ni Makati Mayor Abby Binay, sinabi nitong ang pamahalaang lungsod ng Taguig ang dapat na tumugon sa pangangailangan para sa mga health centers.
"It has been more than a year since the Supreme Court decided to give the EMBO barangays to Taguig. Makati even did what was expected of a good neighbor, even if it was not reciprocated by Taguig, by continuing to provide health services for EMBO residents until the end of 2023. One year is more than enough time for them to work on their health programs," ayon kay Binay.
(Larawan mula sa Facebook Page ni Mayor Abby Binay)
Ang naging aksyon ng Pamahalaang Lungsod ng Taguig ay dalhin ang mga residente ng EMBO sa mga health centers sa Taguig at gayundin sa kanilang catchment centers.
Mayroon ding telekonsultahan ang Taguig para sa mga residente ng EMBO at nagsasagawa ng Taguig Love Caravan o dinadala ang mga doktor, dentista at medisina kasama na ang diagnostic services at pagtuturo sa malusog na pagluluto.
(Kuha ni Dexter Terante)
DOH Secretary Ted Herbosa, Tiniyak na Tutulungan sina Mayor Cayetano at Mayor Binay na Maresolba ang Isyu sa Health Centers sa EMBO | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: