(Larawan mula sa G-Xchange, Inc)
Sinabi ni Alberto na personal na siyang nagtungo sa opisina ng G-Cash sa W Global Tower sa 9th Street Bonifacio Global City, Taguig City subalit wala pa ring nangyari sa kanyang reklamo at binigyan lamang siya ng panibagong tiket.
(Video ni Dr. Tina Alberto)
May ilan ding customers na nagtungo sa naturang opisina upang magreklamo sa nawawawala nilang pera sa e-wallet.
Ayon kay Alberto, hindi rin niya maintindihan kung paanong naiugnay ang isang American Express credit card sa kanyang GCash account samantalang hindi naman siya nag-apply para rito.
Samantala, sinabi naman ng Department of Information ang Communications Technology (DICT) na batay sa kanilang imbestigasyon, hindi na-hack ang sistema ng GCash kamakailan kung hindi nagkaroon lamang talaga ng internal glitch sa sistema ng naturang digital wallet.
"Based on the briefing that I got regarding this matter, the incident with GCash is not caused by external factors. It was caused by an internal glitch on the software and that has been the result of the investigation. From what I understand, GCash is already rectifying the issue," ang pahayag ni Senador Sherwin Gatchalian na nagsalita para sa DICT sa isinagawang marathon plenary debates sa Senado kaugnay ng panukalang pondo para sa susunod na taon ng DICT at mga nakakabit ditong ahensiya.
"But as far as the investigation goes, it's an internal glitch or an internal error that created the issue with Gcash. The good thing is that the DICT did not detect any external hacking that transpired so it's incumbent upon Gcash to rectify their system," dagdag pa ni Gatchalian na nagsabing pinal na ang resulta ng imbestigasyon maliban na lamang kung may nais pang paimbestigahan ang Bangko Sentral ng Pilipinas.