Magtatayo ang Department of Science and Technology's Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI) ng bagong pasilidad sa DOST South Complex sa Bicutan, Taguig City na mas magiging ligtas at moderno.
Ayon sa DOST-FNRI, ang kanilang kasalukuyang gusali na nasa DOST North Complex ay dinadaanan ng West Valley Fault.
"Sinuyod namin ang iba't ibang lugar dito, in particular sa DOST compound. Nakita namin na ang [FNRI] ay nakatayo on top of the West Valley Fault," ang pahayag ni DOST Secretary Renato Solidum, Jr. sa mga mamamahayag sa groundbreaking ceremony sa DOST South Complex sa Bicutan, Taguig City noong Enero 8.
Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs, ang 90 kilometrong West Valley Fault na tumatakbo sa ilang mga lalawigan at sa Metro Manila ay malaki ang panganib kapag gumalaw at nagkaroon ng malakas na paglindol.
Nangyayari ang paggalaw nito tuwing ika-400 hanggang 600 taon.
Tinatayang sa loob ng 3 hanggang 5 taon ay matatapos ang P2 bilyong bagong gusali ng DOST na mas moderno, ligtas, matibay laban sa lindol at isang environment-friendly na gusali.
Sinabi ni Solidum na maging ang mga taong nasa iba pang gusali at bahay na nasa ibabaw ng West Valley Fault ay pinayuhang mag-iba na ng lokasyon at huwag nang magtayo ng istraktura sa mga ito.
"In fact, in our work at first, even schools that will pass through the West Valley Fault were given guidance not to continue construction or plans so that the lives of those who use the building will not be in danger," ayon kay Solidum.
(Photo by DOST)
DOST-FNRI Building, Nakatayo sa Mismong West Valley Fault, Magtatayo ng Bagong Building na Earthquake-Resistant | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: