Magiging masaya ang pagsalubong sa bagong taon sa Bonifacio Global City sa Taguig dahil magsasanib ng puwersa ang K-Pop artists at ang mga tanyag na mang-aawit ng Original Pilipino Music (OPM) sa isasagawang BGC Taguig New Year's Eve celebration.

News Image #1


Ang K-pop girl group Red Velvet na kinabibilangan nina Irene, Seulgi at Wendy ay magtatanghal sa 5th Avenue sa Bonifacio High Street sa Disyembre 31, 2023.

News Image #2


Pangungunahan naman ni Ely Buendia ng pamosong grupong Eraserheads ang mga OPM artists na magtatanghal.

News Image #3


Kasama rin ni Buendia sa New Year's Eve countdown sa BGC sina Zack Tabuldo, KZ Tandingan, at Adie.

May dalawang 3D LED screens kung saan mapapanood ang pagtatanghal kung hindi makakalapit sa entablado at may iba't ibang papanooran sa paligid ng BGC kasama na ang mga nakabukas na restaurants hanggang ala una ng madaling araw, Enero 1, 2024.

Ang pagtatanghal ay tatapusin ng isang engrandeng pyromusical display sa pagsapit ng alas dose ng hatinggabi o pagpasok ng bagong taon.

Sinabi ni Taguig City Mayor Lani Cayetano na tiyak na magbibigay ng ibayong kasiyahan ang New Year's Eve countdown sa BGC.

"BGC Taguig's New Year celebration embodies the spirit of our city - diverse, vibrant, and thriving. We are thrilled to welcome Taguigeños and visitors alike in this iconic celebration that brings together renowned artists from the OPM and K-Pop worlds," ang pahayag ni Cayetano.

(Photos by BGC Taguig New Year celebration group)