Isang menor de edad na lalaki ang nakuhanan ng Taguig City Police ng mahigit P500, 000 halaga ng hinihinalang shabu sa Barangay Ususan, Taguig City noong gabi ng Oktubre 21, 2024,
Sa imbestigasyon ng pulisya, napag-alaman na ang naaresto nilang suspek ay 17 taong gulang lamang at nasa Grade 9 sa hindi ibinunyag na pangalan ng paaralan.
May kasama ang menor de edad na isa pang lalaki subalit sa batang 17 taong gulang nakuha ang malaking halaga ng ipinagbabawal na gamot na tumimbang ng 80 gramo at may street value na P544, 000.
Ang isa pang suspek na nakilala sa alyas na Alvin ay nakumpiskahan din ng 25 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga naman ng P170, 000. Gayunman, nakatakas si Alvin makaraang itulak ang pulis na humuhuli rito.
Pinaghahanap ngayon ng pulisya si alyas Alvin,
Ang menor de edad ay dinala na ng Taguig City Police sa Department of Social Welfare and Development sa Taguig.
(Mga larawan ng Taguig City Police)
Estudyante, Nakumpiskahan ng Mahigit P500K Hinihinang Shabu; Kasama Nito, Nakatakas | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: