Binisita ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kahapon, Nobyembre 1, ang puntod ng kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani (LNB) sa Taguig City, kasama ang kanyang maybahay na si First Lady Louise "Liza" Araneta-Marcos.
Nandoon din upang dumalo sa misa ang kanilang mga anak na sina Joseph Simon at William Vincent, at ang ina ng Pangulo na si dating First Lady Imelda Marcos.
Dumalo rin sina Senadora Imee Marcos at Irene Marcos-Araneta, mga kapatid ng Pangulo, sa Misa.
Agad ding umalis ang First Family sa Libingan ng mga Bayani makalipas ang Misa.
Una nang nagpalabas ng pahayag ang Pangulo kaugnay ng komemorasyon ng Araw ng mga Santo kahapon, Nobyembre 1 at Araw ng mga Patay ngayong Nobyembre 2.
"Our people's earnest obedience to his holy obligation throughout the centuries has given birth to the traditions that we carry to this very day-traditions that display the essence of the Filipino culture-and that is to give utmost importance to our faith and family," ayon kay Marcos.
"Therefore, as we celebrate the saints' staunch devotion and the legacies of those who have gone before us, let us reflect on our purpose and our unceasing need for God's guidance," dagdag pa niya.
(Photos by Malacanang press pool and Presidential Communications Office)
First Family, Nagtungo sa Libingan ng mga Bayani; Nagdaos ng Misa para sa Yumaong Dating Pangulong Marcos | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: