Nagwagi ang Taguig City Health Office ng unang gantimpala at People's Choice Award sa Expanded Newborn Screening Social Media Advocacy Contest ng Department of Health.

News Image #1


Sa temang "Iligtas si Baby sa Mental Retardation at Maagang Pagkamatay, Ang Expanded Newborn Screening ay Mahalaga," nakuha ng Taguig City health Office hindi lamang ang unang gantimpala kung hindi pinakapaborito pa ng tao para sa kanilang music video entry na pinamagatang "Show Baby Love."

Ito ay isinulat ni Vaughn Geuseppe Alviar, at inawit ng mga kapwa Taguigeño na sina Samantha Gabrielle Juta-Bergado at Christine Kirsty Reyes Arriola.

Sa naturang video, binigyng-diin ang kahalagahan ng newborn screening na isang pamamaraan upang malaman kunbg magkakaroon ng problema sa kalusugan ang mga bagong panganak kasama rito ang mental retardation at 28 pang mga metabolic disorders.

News Image #2


Kapag mas maagang na-detect dahil sa newborn screening, mas mabibigyan ng agarang solusyon ang problema ng sanggol at mababawasan ang maagang kamatayan.

Libre ang newborn screening sa lahat ng mga bagong panganak na Taguigeño, isang paraan ng pagsuporta sa mga bagong nanay at kanilang sanggol.

News Image #3


Tinanggap ng mga opisyal ng Taguig City Health na pinangunahan ni Dr. Norena R. Osano ang dalawang awrds noong Oktubre 28, 2024 mula sa DOH.

Noong Okrubre 8 - 11, 2024 naman ay isinagawa ang Newborn Screening Awareness Week kung saan nagkaroon ng pagtitipon ang mag 206 na buntis na kababaihan mula sa iba't ibang barangay.

Ang mga kaganapan ay isinagawa sa Plaza 7 Covered Court, Barangay North Signal; Ligid Covered Court, Barangay Ligid-Tipas; Taguig Pateros District Hospital, at sa Novicio Building, Barangay Upper Bicutan, Taguig City.

News Image #4


Nakatanggap ang mga buntis na dumalo ng token bags na may lamang ascorbic acid, calcium, at iron t folic acid supplements.

(Mga larawan mula sa Taguig PIO)