Magbubukas na ng kanilang kauna-unahang flagship store at showroom ang Tesla ni Elon Musk sa Uptown Bonifacio ng Megaworld Corporation sa Bonifacio Global City, Taguig City.

News Image #1

(Photo by Marou Sarne)

Inaasahang bago matapos ang taong ito ay makikita na ang mga electric vehicles ng Tesla at mabubuksan na rin ang serbisyo para sa mga ito sa kanilang bagong tindahan at opisinang ginagawa sa Uptown Bonifacio.

Posibleng makita rito ang mga sasakyan ng Tesla na Model S, Model X, Model 3, at Model Y.

Ito ang magiging ika-apat na lokasyon ng Tesla sa Timog-Silangang Asya makaraang makapagbukas na rin ito sa Singapore, Thailand at Malaysia. Inaasahang ang kanilang pagpasok sa bansa ang maghuhudyat ng mas malawakang paggamit ng electric vehicles sa bansa.

Mayroon na ring mga electric vehicle charging stations ang Uptown Bonifacio para sa mga gumagamit na ng mga electric vehicles sa Pilipinas.

News Image #2

(Larawan mula sa Megaworld Lifestyle Malls Instagram Page)

Kamakailan ay nagbukas na ng posisyon ang Tesla para sa mga manggagawang Pilipino na inanunsyo sa isang balita dito sa Taguig.com.