Bilang pagdiriwang sa National Nutrition Month, isang serye ng pag-aaral sa food business at kaligtasan sa pagkain ang isasagawa ng Department of Science and Technology (DOST) - National Capital Region ngayong Hulyo.

Maaaring magrehistro ang mga interesadong matuto sa http://tinyurl.com/FoodBitzReg2024 o i-scan ang code sa larawan sa ibaba.

News Image #1


Ang pag-aaral ng mga kurso ay isasagawa sa Zoom.

Kabilang sa mga kursong pamumunuan ng mga eksperto ng DOST ang mga sumusunod:

• Emergency Food Technologies for Local Government Units na isasagawa sa Hulyo 12, 2024 ng 9:00 am hanggang 12:00 pm.

• From Nutrients to Nourishment: Understanding Food Fortification sa Hulyo 17, 2024 mula 9:00 am hanggang 12:00 pm

• Nutrition x Gastronomy: Understanding Influences and Guidelines in Filipino Nutrition sa Hulyo 24, 2024 mula alas 9:00 am hanggang 12:00 pm

• Beyond the Hype: Realities of Popular Diets and Nutrition Myths sa Hulyo 31 , 2024 mula alas 9:00 am hanggang 12:00 pm.

Nilalayon ng web series na ito na payamanin pa ang kaalaman ng mga tao sa pagkain at bigyan sila ng impormasyon upang piliin ang malusog na pamumuhay.