Sa edad na 69, namayapa na ang Chief Executive Officer (CEO) at nagtatag ng David's Salon na si David Charlton.
(Larawan mula sa David's Salon Facebook Page)
Inanunsyo ng kanyang anak na si Laura Charlton, Creative Director ng David's Salon, sa kanilang Facebook Page ang pagyao nito subalit hindi inihayag ang sanhi ng kanyang kamatayan.
Ang pagtunghay sa mga labi ni Charlton ay sisimulan ngayong Oktubre 30, 2024 ng alas 2:00 ng hapon hanggang sa Nobyembre 2, 2024 sa The Chapels, Heritage Park sa Taguig City.
Isang funeral Mass naman ang isasagawa sa Nobyembre 3, 2024 ganap na ala 1:00 ng hapon sa naturan ding lugar.
"His legacy of creativity, dedication, and unparalleled service will continue to inspire us. He will be deeply missed," ayon sa post ng L'Oréal Professionnel sa kanilang Facebook page.
Si Charlton ay ipinanganal sa Suderland, Tyne and Wear, England noong 1955.
Pumunta siya sa Pilipinas noong 1978 at itinatag ang David's Salon noong 1989.
Mayroon itong 200 branches sa buong bansa.
Founder ng David's Salon, Namayapa Na | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: