Darating na sa Pilipinas ang mga inangkat na mansanas mula sa France sa mga susunod na linggo makaraang ipakilala sa lokal na kulinarya ang French apples.
Sa isinagawang tatlong araw na "Bonjour French Food" sa Grand Hyatt Manila sa Bonifacio Global City, Taguig City noong Nobyembre 12 hanggang 14, 2024, ipinakilala ang mga pagkaing likha ng mga chefs na nilahukan ng French apples.
(Larawan mula sa Bonjour French Food event)
Naghanda sina Chefs Charles Soussin, Mark Hagan, at Carlo Miguel ng mga pagkain tulad ng stuffed apple chicken with prawn at apple coulis.
Nagtapos ang kaganapan sa isang cocktail reception kung saan ang mga inumin ay nilagyan din ng French apples at Calvados, isang French apple brandy.
Pinangunahan ng French Chamber of Commerce and Industry in the Philippines (CCIFP) at Interfel ang naturang kaganapan sa pakikipagtulungan ng Department of Agriculture at French Embassy sa Pilipinas.
French Apples, Darating sa Pilipinas sa mga Susunod na Linggo; Ipinakilala sa Lokal na Pagkain | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: