Ang kauna-unahang fuel cell research and development testing center sa bansa ay nasa Department of Science and Technology (DOST) sa Bicutan, Taguig City.

News Image #1

(Larawan ng DOST - ITDI)

Ito ang nagbibigay ngayon ng suporta sa mga industriya kaugnay ng basic at applied research and technology development kaugnay ng fuel cell technology.

Bukas ito sa publiko at libre, ayon kay DOST-Industrial Technology Development Institute (ITDI) director Anabelle Briones subalit may bayad ang serbisyo sa testing.

"It is open to the public for free if they want to have a lab tour upon request to my office. Those who would undertake R&D at the center should sign a memorandum of understanding with the ITDI and provide a counterpart funding so the center could accommodate them, " ayon kay Briones.

Nagtulungan ang DOST at Department of Energy (DOE) upang maitayo ang proyektong ito. PHP13.9 milyon ang ibinigay na pondo rito ng DOST at PHP38 milyon naman mula sa DOE.

Ang DOE ang responsable sa impormsyon, edukasyon at komunikasyon para sa fuel cell prototype design at demonstrasyon.

Sinabi naman ni DOST Undersecretary Leah Buendia ang mga benepisyo ng fuel cell technology.

"By utilizing fuel cell technology, we can vastly improve energy access and security for the millions of Filipinos who currently lack reliable electricity or rely on expensive diesel generators," ayon kay Buendia.

Idinagdag pa ni Buendia na ang integrasyon ng fuel cell ay makakatulong para mabawan ang greenhouse gas emissions at polusyon sa hangin na nanggagaling sa pagsunog ng fossil fuel.

"By addressing these issues, we can mitigate climate change impacts and alleviate health problems associated with poor air quality," dagdad pa nito.