Libo-libong mga opisyal at empleyado ng pamahalaan ang lalahok sa pambansang fun run ngayong Setyembre 1, 2024, na hudyat ng pagsisimula ng isang buwang selebrasyon ng Philippine Civil Service Anniversary (PCSA).
Ang kaganapan na tinawag na "VibeRun: Takbo para sa mga Servant-Heroes," ay sisimulan ng alas 4:00 ng umaga sa iba't ibang lugar sa bansa. Sa Metro Manila, ito ay magsisimula sa Quirino Grandstand sa Luneta Park kung saan ang lalahok dito ay ang mga kawani ng pamahalaan sa National Capital Region at Region IV. Tingnan sa ibaba ang iba't ibang lugar na pagsasagawaan ng sabayang fun run.
Sinabi ni Civil Service Commission (CSC) Chairperson Karlo Nograles na ang pondong malilikom sa naturang fun run ay magbebenepisyo sa Pamanang Lingkod Bayani (PLBi) Program ng CSC.
"As we begin the 124th PCSA, our goal is to host an event that carries profound meaning and purpose for all participants. VibeRun goes beyond the act of running. It serves as a meaningful way to contribute. The funds raised will directly benefit the PLBi, providing essential financial support to the families of civil servants who lost their lives in the line of duty," ayon kay Nograles.
Ang pamilya ng mga nasawing empleyado ng pamahalaan, na namatay habang naka-duty o dahil sa kanilang trabaho, ay binibigyan ng isang beses na financial assistance na P100, 000, plake ng pagkilala at scholarship grant para sa mga direktang miyembro ng pamilyang maiiwan nito.
Simula pa noong 2011, ang PLBi program ay nakapagbigay na ng suporta sa 249 na kinilalang mga nasawing empleyado ng pamahalaan.
Dalawa ang kategoryang tatakbuhan sa fun run at ito ay ang 3 kilometers at 5 kilometers.
Upang makalahok sa VibeRun, kailangang magrehistro sa bit.ly/4cY75dU hanggang Agosto 29, 2024. Ang registration fee at P250.00 sa bawat lalahok.
Para sa karagdagang detalye, magtungo sa CSC Facebook Page: facebook.com/civilservicegovph at sa PCSA microsite na https://csc.gov.ph/pcsa2024.
(Mga larawan mula sa Civil Service Commission)
Fun Run ng CSC, Magbebenepisyo sa Pamilya ng mga Nasawing Government Employees na nasa Duty; Deadline ng Rehistrasyon sa Agosto 29, 2024 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: