Inaasahan ang pagtaas ng kaso ng leptospirosis sa pagsisimula ng tag-ulan sa Pilipinas.

News Image #1


Sa pagpasok ng bagyong Aghon, nakahanda na ang pamahalaang lungsod ng Taguig sa posibilidad ng pagbabaha at pagtaas ng leptospirosis, isang sakit na nanggagaling sa mga hayop na may impeksyon ng leptospira bacteria.

Kadalasang dala ito ng mga daga na nailalabas sa kanilang ihi na sumasama sa tubig baha.

May libreng gamot sa leptospirosis na maaaring makuha sa mga barangay health centers.

Ang gamot sa leptospirosis ay ibinibigay bilang prophylaxis sa mga Taguigueñong 9 na taong gulang pataas.

Hindi naman maaaring uminom nito ang mga buntis at nagpapadede ng anak.

News Image #2


Kung mayroong katanungan, i-click lang ang link para sa Health Center hotlines. Maaaring bisitahin ang website na ito: https://bit.ly/HealthCenterHotlines

Sa pag-aaral, ang Pilipinas ay nakakaranas ng 680 kaso ng leptospirosis at 40 ang namamatay rito taun-taon.

Gayunman, sa nakaraang mga taon ay lalo pang tumataas ang average cases kung saan ang kaso nitong 2022 ay umabot sa 2794 na kaso.

Noong Enero hanggang Marso 2023, umabot naman sa 810 ang kaso.