Magtataas na naman ng presyo ang mga produktong petrolyo bukas, unang araw ng Oktubre, 2024, ganap na alas 6:00 ng umaga.
(Larawan ni Dexter Terante)
Batay sa anunsyo, ang pangunahing petroleum dealers tulad ng Pilipinas Shell, Petron at Caltex ay may pagtataas na P0.45 kada litro sa gasolina, P0.90 kada litro sa diesel at P0.30 kada litro sa kerosene.
Ang ilang minor oil players tulad ng Clenfuel at Petro Gazz ay gasolina at diesel lamang ang tataas subalit hindi magtataas sa kerosene.
Sinabi ng Department of Energy na ang pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo ay bunga pa rin ng giyera sa pagitan ng Israel at Lebanon kung saan nagkakaroon ng alanganin ang suplay ng langis at natutulak pataas ang presyo nito sa world market.
Nakaapekto rin ang pagpapalabas ng China ng stimulus package upang paangatin ang kanilang ekonomiya.
Nagbunsod din ang pagbaba ng imbentaryo ng langis ng Estados Unidos ng pagtataas ng presyo ng petrolyo sa pandaigdigang pamilihan.
Gasolina, Diesel at Kerosene, Taas na naman sa Oktubre 1, 2024 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: