Tataas na naman ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

News Image #1

(Larawan ni Dexter Terante)

Sa pagtataya ng Department of Energy, ang gasolina ay posibleng tumaas ng P1.10 hanggang P1.40 kada litro, ang diesel naman ay P1.70 hanggang P1.90 kada litro at ang kerosene ay P1.10 hanggang P1.20 kada litro sa susunod na linggo.

Sinabi ni DOE Oil Industry Management Bureau Director Rodela Romero na ang pagtatayangb ito ay batay sa apat na araw na international trading.

Sinabi ni Romero na ang bagyo ang posibleng maging dahilan ng pagbabawas ng nalilikhang langis sa Gulf of Mexico, bukod pa sa plano ng Organization of Petroleum Exporting Countries o OPEC na sa Disyembre na magtaas ng produksyon ng langis, Kasama rin dito ang plano ng US Federal Reserve na magpatupad ng pagbabawas sa interest rate.

Malaking kontribusyon din sa pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo ang pagbaba ng halaga ng piso, ang premium na idinadagdag sa pagbili ng mga produktong eptrolyo at ang halaga ng transportasyon ng mga ito.