Tataas ng P0.90 ang presyo kada litro ng gasolina simula bukas, Disyembre 3, 2024, ayon sa mga kumpanya ng petrolyo sa bansa.
Ang diesel naman ay magbabawas ng P0.20 kada litro samantalang ang kerosene ay mababawasan din ng P0.40 kada litro simula Martes.
(Larawan ni Dexter Terante)
Sinabi ng direktor ng Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau na si Rodela Romero na ang pagtataas ng presyo ng gasoline ay dahil sa ginawang pagbabawas sa produksyon ng langis ng Organization of Petroleum Exporting Countries + o ang OPEC members at mga kaalyado na pinangungunahan ng Russia.
Samantala, pagdating ng unang bahagi ng 2025, inaasahang magkakaroon ng sobrang supply ng petrolyo at bababa rin ang pangangailangan dito, ayon kay Romero,
Dahil dito, hanggang sa pagtatapos ng 2024 ay bababa pa ang presyo ng mga produktong petrolyo.
Samantala, ang palitan ng dolyar sa piso ngayong Disyembre 2, 2024 ay nasa P58.65 sa bawat isang dolyar.
Gasolina, Tataas ng P0.90 Kada Litro, Bababa naman ang Diesel at Kerosene Ngayong Disyembre 3, 2024 | Taguig Balita
Pick your language preference for this article:
/
Piliin ang inyong wika para sa artikulong ito: