Tumaas ng P0.40 kada litro ang presyo ng gasolina simula nitong Martes, Disyembre 10, 2024.

Ang diesel naman ay bumaba ng P0.50 sentimo samantalang P0.75 naman kada litro sa kerosene.

News Image #1

(Larawan ng Taguig.com)

Sinabi ni Director Rodela Romero ng Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau, na ang pagtaas ng presyo ng gasolina ay bunga ng umiinit pa ring sitwasyon sa Gitnang Silangan, lalo na ang palitan ng bombahan ng Israel at Hezbollah.

Idinagdag din ni Romero na ang desisyon ng Opec+, na kinabibilangan ng Organization of the Petroleum Exporting Countries at mga kakampi na pinangungunahan ng Russia, na ipagpaliban muna ang produksyon ng langis ang isa sa maaaring nakaka-impluwensiya sa paggalaw ng presyo sa gasolina.

Noong isang linggo, halo rin ang pag-adjust ng presyo ng mga produktong petrolyo kung saan ang gasolina ay tumas ng P0.90 kada litro at ang diesel naman ay bumaba ng P0.20 at ang kerosene ay bumaba rin ng P0.40 kada litro.

Sa data mula sa DOE noong Disyembre 5, 2024, lumalabas na ang kabuuan nang itinaas ng gasolina simula noong Enero ay nasa P11.35 kada litro, at ng diesel naman ay nasa P9.55 kada litro. Ang kerosene naman ay nagkaroon ng kabuuang pagbaba na P1.90 kada litro simula noong Enero.