Ang batang magaling magpinta na kinilalang "gifted child" sa advertisement ng isang gatas na pambata dalawampu't limang taon na ang nakararaan ay namayapa na sa edad na 36.

News Image #1



Si CJ de Silva-Ong, isang visual artist at creative director ng isang advertising agency, ay kinilalang gifted child sa commercial ng Promil noong 1990s ay nasawi noong Hunyo 18, 2024 ng umaga dahil sa stroke.

Play Video?si=M64gQ5HdubT5lcEU

Ayon sa kanyang asawang si Wincy Ong na isang musician at manunulat, lumaban pa si CJ makalipas ang dalawang beses na pag-atake ng stroke habang nasa intensive care unit ng ospital.

"She was a loving wife to me, a loving cat-mom to our cats Andres and Max, and a loving daughter to her parents and uncle," ayon kay Wincy sa kanyang post sa Facebook. "She used her talents in illustration and painting in championing causes close to heart."

Ang labi ni CJ ay matutunghayan sa The Heritage Park sa Taguig City mula ngayong araw na ito, Hunyo 20 hanggang Hunyo 22, 2024.

News Image #2


"She always told me she'd wanted a funeral that was fun and not so serious. Let's celebrate her 36 amazing years here on this planet by filling it with things that made her happy--music, conversations, coffee, and good food," pagtatapos ng kanyang mister na si Wincy.

Susunugin ang labi ni CJ sa Linggo, Hunyo 23, 2024.